Nanawagan ang isang grupo ng public school teachers sa DepEd na maglabas na ng guidelines para sa implementasyon ng 6-hour workday para sa mga guro.
Ayon sa Teacher Dignity Coalition, nais nilang matiyak na masisimulan na ang nasabing patakaran sa susunod na school year.
Dagdag nila, dapat ay sa buong bansa ito ipatupad at hindi lamang sa NCR at CALABARZON.
Noong nakaraang Oktubre pa nangako ang DepEd na maglalabas sila ng order para sa pagpapatupad ng 6-hour workday.
Sa ilalim ng patakarang ito, anim (6) na oras lamang mananatili sa paaralan ang mga guro. Habang ang natitirang dalawang (2) oras ay maaaring gawin sa bahay o sa ibang lugar.
6-Hour Workday para sa mga GURO
Reviewed by Anonymous
on
March 06, 2019
Rating:
No comments: