Open letter ng isang guro sa mga magulang ng mga mag-aaral, naging viral




Isang open letter mula sa isang guro ang viral ngayon sa social media dahil sa mensahe nito at pakiusap sa mga magulang at guradians na turuan muna ang kanilang mga anak sa bahay lalo na't hindi pa sigurado kung kailan muli magbubukas ang klase.

Isinaad dito ng guro na tutukan ang pagtuturo sa pagbasa at pagbibilang at higit sa lahat ay ang pagtuturo ng kabutihang asal nang sa ganun ay maging handa ang mga anak nila sa pagbabalik sa klase.

Narito ang kabuuan ng kanyang open letter:

Para sa lahat ng mga magulang/guardians: PLS TAKE TIME TO READ.

Kung August o September pa ang pasukan (No final sched yet) ako po bilang guro ay nakikiusap sa lahat ng mga magulang at guardians ng mga mag-aaral na pakituruan po ang inyong mga anak sa bahay. Lalong lalo na po sa PAGBABASA, pagbibilang at higit sa lahat ng MABUTING ASAL. May mga pinapasa din po ako sa gc ng mga bata paki follow up po.



Mahaba haba po ang oras ng inyong mga anak na nasa bahay lang ngayon. So, please po pakituruan po muna ang inyong mga anak upang maging handa sa pasukan.

A GOOD Education begins at home po. Gawin po sana nating makabuluhan ang ECQ period sa pamamagitan ng pag follow up at pagtuturo sa inyong mga anak para po sila ay matuto.

Maraming salamat po.

#Learn_at_Home
#Stay_at_home
#Stay_safe
#God_bless
#copypaste


Open letter ng isang guro sa mga magulang ng mga mag-aaral, naging viral Open letter ng isang guro sa mga magulang ng mga mag-aaral, naging viral Reviewed by Anonymous on May 01, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.