Mga plano ng DepEd sa muling pagbubukas ng klase





Ibinahagi ni DepEd Usec. Annalyn Sevilla sa isang live phone interview ang mga paghahandang ginagawa ng Department of Education sa darating na pagbubukas ng klase. Ito ay sa kabila ng mga uncertainties dala ng COVID-19 pandemic.

Ipinaliwanag ni Usec. Sevilla ang ilan sa mga plano ng DepEd upang masigurong ligtas ang mga mag-aaral, guro at mga kawani ng paaralan kahit bumaba na ang cases ng COVID-19 sa bansa.

"Kahit bumaba ang cases ng COVID kailangan pa rin nating ituloy ang precautionary measures. Definitely mangyayari na iiksi ang school hours. Una, hindi na ara-araw ang klase at ang class size liliit na. Pangalawa, gagamit ng TV, radyo, at internet. Pangatlo, pipiliin natin ang mga competencies. Ito po yung tinatawag nating new normal," paliwanag ni Sevilla.



Ang Department of Education ay nakatakdang i-present ang kanilang recommendations hinggil sa schedule ng pagbubukas ng klase and ang learning continuity plan na magbibigay ng detalyadong paraan kung paano magaganap ang pag-aaral sa tinatawag natin nating 'new normal'.



Mga plano ng DepEd sa muling pagbubukas ng klase Mga plano ng DepEd sa muling pagbubukas ng klase Reviewed by Anonymous on May 02, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.