Nilinaw ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla na magiging effective ang Loan Payment Moratorium hanggat nasa ilalim tayo ng Enhanced Community Quarantine. Makakatanggap ng loan refund ang mga empleyado ng DepEd ngayong buwan ng Mayo at kung sakaling mag-extend pa ang ECQ hanggang Hunyo.
"Ang loan moratorium po natin is still efffective this May. Ang tanong po ng iba, paano sa June? Maghintay lang po tayo ng announcement. Kapag po merong announcement ng ECQ ito po ay magiging effective hanggang June," wika ni Usec. Sevilla.
Binigyan diin rin niya na lahat na saklaw ng Loan Moratorium na ito ang lahat ng empleyado kasama ka man sa lugar na under ECQ o hindi.
"Habang nakadeclare na may ECQ ay effective po yang loan moratorium na 'yan. Alam naman natin na hanggang May 15 ay may ECQ. Kasama po kahit hindi kayo naka-ECQ. Ito po ay para sa lahat, whether ikaw ay nasa ECQ or wala ka sa ECQ, amin pong i-aapply 'yung loan moratorium," dagdag ni Sevilla.
Paglilinaw ng DepEd sa loan payment moratorium at hanggang saan ang saklaw nito
Reviewed by Anonymous
on
May 09, 2020
Rating:
No comments: