Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tuloy ang pagbubukas ng klase sa August 24, 2020 para sa school year 2020-2021. Ito ay sa kabila ng naunang pahayag ni Pangulong Duterte na hindi nya hahayaang magbukas ang klase hanggat walang vaccine para sa COVID-19.
"Ang sigurado po, tuloy ang pag-aaral ng mga kabataan. Ang isyu na lang, ano ang sitwasyon pagdating ng Agosto 24, ito ba ay sapat na para tayo ay mag-face-to-face o blended," wika niya.
Paliwanag ni Roque, ang pahayag ng pangulo ay nangangahulugan na hindi niya papayagan na mag face-to-face ang mga bata at guro pero tuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng mga nakaplanong learning delivery options ng Department of Education.
Dahil dito, tiniyak ni Sec. Roque na tuloy ang nakaplanong pagsisimula ng enrolment sa darating na June 1, 2020 hanggang June 30, 2020.
"Tuloy po iyan dahil hindi naman po pupuwedeng wala tayong preparasyon," dagdag niya.
Pagsisimula ng Enrollment sa JUNE 1, tiniyak ng Palasyo
Reviewed by Anonymous
on
May 27, 2020
Rating:
No comments: