Ilang grupo ng mga guro ang nananawagan sa Department of Education na iurong muna ang nakatakdang pagbubukas ng klase sa Agosto 24, 2020 dahil sa sa kakulangan ng paghahanda lalo na sa mga learning modules na ipamimigay sa mga mag-aaral.
Ayon sa group ng Teachers' Dignity Coalition (TDC), hindi pa umano handa ang DepEd sa nalalapit na pagbubukas ng klase dahil hanggang ngayon ay wala pa ang mga modules na dapat nilang ipamahagi.
"Unfortunately Ma'am hanggang ngayon wala pa 'yung mga modules. Hindi pa ito prepared and it will take time bago ito matapos, ma-finalize," wika ni TDC Chairman Banjo Basas.
Ito rin ang saloobin ng Quezon City Public School Teachers Association (QCPSTA) na iilang araw na lamang bago ang pagbubukas ng klase ngunit wala pa rin silang natatanggap na modules mula sa DepEd central office.
Kaugnay nito, nanawagan din ang mga grupong ito na paigtingin ang health protocols dahil sa tumataas na bilang ng mga COVID-19 positive cases sa iba't ibang lugar sa bansa.
Grupo ng mga guro nanawagan sa DepEd na iurong muna ang school opening
Reviewed by Anonymous
on
August 06, 2020
Rating:
No comments: