Gurong naghahanda ng modules nagkaCOVID-19, pamilya nahawahan





Lakas loob na nagpakilala at umamin si Sir Norberto Rodillas, isang public school teacher sa Baguio, matapos siyang tamaan ng COVID-19 ganoon din ang kanyang pamilya.

"Ako ay nalungkot, natakot at halos umiyak. Sa kadahilanang ang aking mga magulang at kapatid ay nasa hospital na dahil sa parehong sakit," wika niya.



Pag-amin ni Norberto, naunang nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang ate na isa ring public school teacher na noon ay pumapasok sa kanyang paaralan upang maghanda ng mga modules na gagamitin ng kanilang mga mag-aaral sa darating na pagbubukas ng klase.

Ito ang posibleng dahilan ng kanyang magkakahawa at ng kanyang pamilya ayon sa kanilang pamahalaang lungsod.

Sa kasalukuyan, nasa ilalim na ng hard lockdown and kanilang barangay upang maiwasan ang posible pang pagkalat ng naturang sakit.


Gurong naghahanda ng modules nagkaCOVID-19, pamilya nahawahan Gurong naghahanda ng modules nagkaCOVID-19, pamilya nahawahan Reviewed by Anonymous on August 15, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.