Nagbabala ang mga awtoridad sa kumakalat ngayong challenge sa social media na maaaring bumubuyo sa mga bata na saktan ang kanilang sarili. Tinitingnan ang kaugnayan nito ngayon sa kaso ng 11 anyos na batang namatay.
Sa online challenge, nag-uutos ng 50 tasks ang isang karakter na lilitaw sa pinapanood na video sa Internet.
Magsisimula ang hamon ng karakter sa maliliit na utos hanggang sa uutusan nito ang bata na saktan ang sarili. Kapag hindi tumupad ang user sa utos ay tatakutin umano ito na papatayin siya o ang kaniyang mga magulang.
Nagdulot din umano ng mga kaso ng suicide sa bansang Argentina, Brazil, at Canada ang nasabing challenge.
Ang challenge daw ang hinihinalang nag-udyok sa 11 anyos na lalaki noong Enero 17 na mag-overdose sa gamot, ayon sa ina ng biktima.
Tatlong ospital ang pinagdalhan sa binatilyo ngunit binawian din ito ng buhay noong Huwebes ng madaling araw.
Palaisipan pa rin sa pamilya ang ginawa ng bata pero ayon sa ina, ikinuwento raw noon ng kaniyang yumaong anak na may kaklase raw siyang nanakit sa kaniyang sarili nang makakita ang nasabing online challenge.
Ikinabahala naman ng isa pang ina na si Edielyn Talens ang kakaibang kilos ng kaniyang 7 anyos na anak, na nakapanood din daw sa nasabing challenge.
"Pinakita niya (ng tatay ng anak) ang picture then pagpakita niya sa anak ko 'yung picture.... Basta kinakausap mo yan? 'yes' then sabi ko 'Ano ang sinasabi?' sabi niya ayaw niya sabihin 'That's a secret,''" ani Talens, na pinagbabawalan nang gumamit ng gadget ang kaniyang anak nang walang gabay.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), maituturing cyberbullying ang nasabing challenge, na target daw ang mga kabataan na lulong sa paggamit ng gadget at aktibo sa social media.
Aminado ang DICT na mahihirapan silang ma-block ang challenge dito sa Pilipinas at sandata lang ng magulang ang paggabay ng kanilang mga anak tuwing gagamit ng mga gadget.
Dahil dito ay nanawagan si DICT acting Secretary Eliseo Rio na bantayan ang paggamit ng kanilang mga anak sa social media at Internet.
"Dapat alam ng parents ang mga websites o anong mga application na makakasama sa mga anak nila," aniya.
Inutusan na ni PNP chief Oscar Albayalde ang pag-iimbestiga ng mga kasong may kaugnayan sa naturang online challenge at nanawagan sa mga magulang na maging alisto sa kanilang mga anak.
"Sa ating mga magulang, kailangan po siguro bantayan
natin ang ating mga anak rito. Siguro ang kailangan dito is 'yung
talagang magabayan ang mga anak lalo na kapag sila ay wala sa atin," ani Albayalde sa isang panayam sa Camp Crame.
Source: ABS-CBN News

PROTECT your Kids against this Social Media Challenge
Reviewed by Anonymous
on
February 28, 2019
Rating:
No comments: