ANO ANG LANDBANK PHONE ACCESS?
Ang LANDBANK Phone Access ay isang alternative banking channel para sa inyong banking transactions via phone call at mayroong Phonebanker na mag-aassist sa inyo.
Ito ay safe at convenient. Hindi na kailangang lumabas ng bahay at pumunta sa LANDBANK branch para sa piling banking transactions.
SINO ANG PWEDENG MAG-ENROL O GUMAMIT NITO?
Ang LANDBANK Phone Access ay pwdeng gamitin ng mga kliyente ng LANDBANK na mayroong ATM at current accounts na enrolled sa serbisyong ito.
ANO ANG MGA BANKING TRANSACTIONS NA PWEDENG GAWIN?
Sa LANDBANK Phone Access, maaaring gawin ang mga sumusunod:
- Mag-balance inquiry
- Mag-order ng checkbook
- Mag-follow up ng status ng tseke
- Mag-request na ipa-hold ang ATM o Cash Card Account kapag ito ay nawala o nanakaw
- Mag-fund transfer
- Magbayad gamit ang Bills Payment feature
PARA SA BILLS PAYMENT, ANU-ANO ANG MGA MERCHANTS DITO?
PLDT
Smart
Maynilad
Manila Water
LANDBANK Visa Credit Card
Sky Cable
Globe Handyphone
Globe Innove
ANU-ANO ANG MGA HAKBANG PARA MAGAMIT ANG LANDBANK PHONE ACCESS?
1. I-enrol sa LANDBANK Phone Access ang inyong account sa LANDBANK brnach kung saan kayo nagbukas ng account.
2. Kunin at tandaan ang Telephone Access Number na ibibigay sa inyo.
3. Activated na ang inyong LANDBANK Phone Access sa loob ng 24 oras. Tumawag lamang sa Customer Care Hotline sa 8-405-7000.
Source: LandBank of the Philippines
LandBank Phone Access, easier way to transact via Phone Call
Reviewed by Anonymous
on
April 30, 2020
Rating:
No comments: