Isang open letter mula sa private school teacher ang nag-viral sa social media dahil sa nilalaman nitong mensahe tungkol sa kanyang propesyon bilang isang guro.
Ibinahagi niya rito ang kundisyon niya at ng mga katulad niyang private school teacher ngayong panahon ng krisis at kung gaano sila nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno upang malagpasan ang pagsubok na ito.
Basahin ang kabuuan niyang liham sa ibaba:
"Walang yayaman sa pagtuturo. Walang mayaman na guro."
Iyan lang naman ang mga salitang naririnig ko kapag pinag-uusapan na ang pagiging isang guro.
Sa katunayan, ngayon lang ay idineklara ang muling pag-eextend ng Enhanced Community Quarantine at wala pang kasiguraduhan na matatapos ito sa May 15.
Nakakatuwa, nabigay na o mabibigay na ang sahod ng guro, ang christmas bonus at uniform allowance. Yes! Magandang balita...
magandang balita sa mga guro na nasa public school at nakakalungkot naman sa kabilang banda sa mga nagtatrabaho sa private school.
Usapin narin kung kailan ang muling pagbubukas ng pasukan, malabong sa June magsisimula at may nagsasabi na sa buwan ng August, September, December at may nagnanais pa nga na i-kansela ang school year 2020-2021.
"Paano na kami? Ano ng maisasahod namin dahil kabilang kami sa 'no work, no pay' policy."
Nakakalungkot, bilang isang guro ng pribadong paaralan, isang propesyonal at nangarap na maging daan para sa kinabukasan ng mga kabataan pero sa realidad ay hindi napapansin sa lipunan.
Minsan napapaisip narin ako,
"Bakit nga ba pagiging guro ang pinasok ko?", habang pinagmamasdan ang pamilya na wala kang magawa dahil wala kang maitulong sa kanila sa gitna ng sakuna.
Sana naman, mapansin din ang mga nasa pribadong guro. May pamilya po kami, at naapektuhan din sa sitwasyong ito.
Wag sanang dumating sa punto na sasabihin ng isang guro,
"Kailangan ko na sigurong maghanap ng ibang trabaho. Panahon na sigurong bitawan ang sinumpaang pangako."
ALSO READ: DepEd PBB Update
VIRAL: Liham mula sa isang Private School Teacher
Reviewed by Anonymous
on
April 28, 2020
Rating:
No comments: