Isang magulang ang nagpahayag ng kanyang opinyon at damdamin hinggil sa nakatakdang balik-eskwela sa darating na ika-24 ng Agosto na nakasaad sa inilabas na DepEd Order No. 7, s. 2020 o "School Calendar and Activities for School Year 2020-2021".
Sa kanyang liham, binigyaang diin niya na mas dapat pahalagahan sa panahong ito ang buhay at pangalawa na lang muna dapat ang edukasyon.
Narito ang kabuuan ng kanyang OPEN LETTER:
VACCINE MUNA BAGO ESKWELA
- Sir Christopher
I am speaking as a parent, not as a teacher. Hindi pwedeng neutral lang o wala tayong kibo sa gusto ng mga DepEd officials. Buhay ang pinag-uusapan dito.
Kapag nagkaroon ng local transmission habang nasa byahe o daan ang mga anak natin o kaklase nila, sobrang delikado. Even teachers as well. Hindi pwedeng by the book or by law tayo babase dahil hindi nakasulat sa libro o sa batas kung sino at saan makakarating ang virus na yan.
We need to postpone schooling, not because tinatamad tayo, it is because malalagay sa alanganin ang buhay ng ating mga anak, pati ng mga empleyado. At paano tayo magiging matapang e wala namang sinisino ang virus? Sa isang iglap pwede itong kumitil ng buhay. Ang mga anak natin ay regalo ng Diyos na dapat ingatan lalo na’t wala pang vaccine.
Wala akong makitang panatag na solusyon na inihahain ng lider natin. Ang weakness nito ay nasa pagitan ng pagpasok at pag-uwi ng bahay ng mga bata. Sa daan, dito mas vulnerable sila sa virus.
Huwag nating banggain si COVID-19 at ipagpilitan ang modern technology. Hindi pa natutuklasan ang technology na tatapat sa kanya. Nasa proseso palang ito ng testing (vaccine). Kailangan lang nating maghintay. And the best way to wait ay sa bahay, not sa school.
To think na hindi pa capable ang lahat para sa online study. Maraming maiiwan at kapag gano’n, magkakaroon ng gap ang mga batang walang Internet at computer sa mga batang meron. Malamang ang mga nasa private school meron yan. Ang mga guro ay pwedeng gumawa ng mga visual aid, PowerPoint, videos para sa mga topic nila sa school habang naghihintay din ng vaccine.
Everyone of us. Lahat tayo vulnerable. Walang bansa na mayaman ang nakaligtas kahit moderno na sila. Huwag natin isugal ang kaligtasan ng mga anak natin. Magsisisi tayo sa huli lalo na kung nag-iisang anak lang yan.
Naiinis akong isipin na puro talino, puro cognitive, at puro suntok sa buwan ang mga plano. Wala akong makitang wisdom mula sa kanila. Pro life sana. Pro safety.
Napakarami nilang natatanggap na tanong at reklamo dahil maraming flaws ang solusyon nila. The best solution is to stay at home and wait for the vaccine. Walang flaws yan kung preventiom ang pag-uusapan.
Sana po bilang magulang, nauunawaan ng mga DepEd officials na secondary na lang muna ang education ngayon. Mas priority ang buhay ng mga bata.
Bakit ba ayaw nilang isama sa choices ang STAY AT HOME? May pinoprotektahan ba silang private schools? Income? May ‘plan B’ ba sila kung nagkaroon ng infected na bata at guro? Sagot ba nila ang gastos sa ospital? Maibabalik ba nila ang buhay ng mga anak natin o ng mga guro? Ihahatid ba nila sa bahay ang ating mga anak at susunduin araw-araw.
Para wala na silang intindihin pa at mag-create ng maraming complications, much better...
VACCINE MUNA BAGO ESKWELA!
- end -
READ: MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES (MELC) for KG to Grade 12 SY 2020-2021
ALSO READ: Mga Paraan sa Pagpapaenroll ng mga Bata mula June 1 to June 30
ALSO READ: Mga Paraan sa Pagpapaenroll ng mga Bata mula June 1 to June 30
Open Letter to DepEd (Vaccine Muna Bago Eskwela)
Reviewed by Anonymous
on
May 16, 2020
Rating:
No comments: