Ibinahagi ni Doctor Willie Ong sa kanyang official Facebook Page na aprubado na sa US FDA ang gamot na Remdesivir bilang unang gamot laban sa COVID-19.
Ayon sa kanya, pinabibilis ng gamot na ito ang pagpapagaling sa mga pasyente na may COVID-19 batay sa isinagawang ACTT trial.
Narito ang mga mahahalagang detalye tungkol dito:
1. May malaking pagsusuri ng 1063 Covid patients sa 22 bansa, na Randomized at Placebo Controlled Trial. Napatunayan sa preliminary results na bibilis ang recovery time ng pasyente.
2. Ginagamit ito for Severe Covid Cases with Pneumonia. Dagdag pa ito sa ibang supportive treatment.
3. Inaabangan pa natin ang resulta ng ibang mga gamot (tulad ng mas murang Hydroxychloroquine at Avigan ng Japan) sa Clinical Trial ng WHO Solidarity Trial, at vaccine para sa Covid.
4. Ang problema dito ay mahal ang gamot. Sana maibaba ang presyo o mai-libre para makatulong sa mahihirap.
Courtesy of Doc Wille Ong
Unang Gamot Laban sa COVID-19 Aprubado ng US FDA
Reviewed by Anonymous
on
May 07, 2020
Rating:
No comments: