Public school teachers, makakatanggap nga ba ng Internet Allowance?





Nagsimula na ang balik serbisyo ng mga pampublikong guro ngayon sa bansa. Kaagapay nito ay ang kanilang paghahanda sa darating na pagbubukas ng klase sa August 24, 2020. Isinasagawa na rin nila ngayon ang remote enrollment na kung saan ay tatanggap na sila ng mga magpapalista o magpapaenroll sa pamamagitan ng texts, tawag, messenger, or online platforms.

Bukod pa dito, pinayuhan din sila na umattend ng mga online training or webinars upang maging handa sila sa new normal ng edukasyon. Regular din sila ngayong nagkakaroon ng mga online meetings para sa kanilang pagpaplano at sistemang pampaaralan.



Dahil dito, marami sa kanila ang nagtatanong kung susuportahan kaya sila na mabigyan ng allowance para sa kanilang internet connection. Hindi kasi lahat ng guro ay may maayos na internet plan kaya nararanasan nila ngayong ang hirap pagdating sa mga online na gawain.

Paliwanag ni DepEd Secretary Leonor Briones, maaaring gamitin ng mga guro ang kanilang cash allowance o mas kilala bilang chalk allowance para sa kanilang internet fees.

"Mayroon silang allowance for chalk which has been increased, maybe their expenses for chalk can be used for other necessary fees," wika ni Briones sa isang virtual press briefing.

Ang paggamit ng internet ay higit na mahalaga sa mga lugar na magpapatupad ng distance learning o yaong mga gagamit ng internet sa paghahatid ng mga leksyon sa kanilang mga mag-aaral.


Dagdag pa niya, maaari ring gamitin ng mga paaralan ang kanilang MOOE o Maintenance and Other Operating Expenses upang matulungan ang mga guro sa kanilang mga pangangailangan sa pagharap sa kakaibang sitwasyon ng pagtuturo.

"May MOOE naman...which are held by the principals. May pera sila at their level kasi binibigyan sila ng autonomy to spend as they wish" dagdag niya.


READ: NEW SET OF TASKS FOR PUBLIC SCHOOL TEACHERS starting JUNE 1, 2020


Public school teachers, makakatanggap nga ba ng Internet Allowance? Public school teachers, makakatanggap nga ba ng Internet Allowance? Reviewed by Anonymous on June 02, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.