Tag-init na naman! At excited na ang mga bata dahil ito ang panahon kung kelan malaya silang makapag-laro o gawin ang mga bagay na hindi nila masyadong magawa noong may pasok pa sa eskwela. Pero kasabay ng summer vacation na ito ay ang mga posibleng sakit na maaari nilang makuha. Kaya naman pinapaalalahanan ang mga magulang na bantayan maigi ang mga anak nila upang ng sa ganun ang mabawasan ang risks ng pagkakasakit.
Narito ang ilan sa mga pangkaraniwang sakit na nakukuha ng mga bata tuwing tag-init:
Bungang Araw
Kilala rin ito sa tawag na prickly heat o miliaria, ito ay karaniwang kondisyon na dala ng sobrang init ng panahon. Hindi naman ito mapanganib, pero sadyang nakakairita, at masakit din lalo na para sa mga bata.
Mga simpleng paraan upang hindi ito lumala:
Narito ang ilan sa mga pangkaraniwang sakit na nakukuha ng mga bata tuwing tag-init:
Bungang Araw
Kilala rin ito sa tawag na prickly heat o miliaria, ito ay karaniwang kondisyon na dala ng sobrang init ng panahon. Hindi naman ito mapanganib, pero sadyang nakakairita, at masakit din lalo na para sa mga bata.
Mga simpleng paraan upang hindi ito lumala:
- Nakakatulong ang paglalagi sa isang malamig o air-conditioned na kuwarto. Tinawag itong heat rash dahil sanhi ito ng mainit na panahon, kaya ang unang solusyon ay umiwas sa maiinit na lugar. Masarap man na magpahangin o maligo sa pool o beach, kailangan munang tiisin na manatili sa loob ng bahay at hindi mapawisan o mainitan.
- Umiwas sa pagbababad sa direktang init o sobrang init na lugar.
- Huwag hayaang magkamot, dahil maaaring magsugat ito at maimpeksiyon dahil sa dumi na hindi nakikita sa ilalim ng kuko.
- Magpahangin gamit ang pamaypay o bentilador.
- Iwasang pagsusuot ng mga damit na hapit sa katawan o masyadong mainit ang tela. Pumili ng cotton na tela para presko.
- Panatilihing tuyo ang apektadong balat. Karaniwan itong nawawala agad ng walang gamot na kailangang ilagay kapag tuyo at hindi napapawisan.
- Paliguan ng malamig-lamig (hindi sobrang lamig) na tubig, at hayaang matuyo ang balat ng hindi pinupunasan ng tuwalya.
- Lagyan ng baking soda ang tubig na ipangliligo para maibsan ang pangangati at pamamaga, o di kaya’y lagyan ng one part alcohol at 3 parts na tubig. Panatilihing malinis ang katawan ni baby.
Para maiwasan ang pagkakaroon ng bungang araw, dapat umiwas sa mga lugar na sobrang maalinsangan at mainit. Dapat ding umiwas sa pagkilos na magsasanhi ng matinding pagpapawis.
Sore Eyes
Ang Sore Eyes ay isang sakit mula sa bacteria o air-borne virus na nagdudulot ng pamamaga, pagluluha, pamumula at pangangati ng mata. Ang paningin ng taong may sore eyes ay hindi lumalabo, nagdidilim, o nagkakaroon ng anumang pagbabago sa paningin. Ang sakit na ito ay nakakahawa kaya't mahalaga ang personal hygiene. Karaniwan umanong lumalaganap ang sore eyes tuwing Enero hanggang Marso sa panahon ng tag-init at mula Agosto hanggang Setyembre naman sa panahon ng tag-ulan.
Mahalagang palaging maghugas ng kamay lalo na kung humawak sa kamay o kahit anong bagay ng taong may sore eyes. Iwasan ding kamutin ang mga mata at ang hand-to-eye contact. Gumamit ng sariling tuwalya, bimpo at panyo.
Ubo o at sipon
Laganap ang ubo at sipon tuwing tag-init dahil sa labis na init ng panahon at paminsang pagbuhos ng ulan. Dapat ay maging maingat upang hindi mahawa sa mga sakit na ito.
Laganap ang ubo at sipon tuwing tag-init dahil sa labis na init ng panahon at paminsang pagbuhos ng ulan. Dapat ay maging maingat upang hindi mahawa sa mga sakit na ito.
Laging maghugas ng kamay lalo na kung nakihalubilo sa taong may ubo at sipon. Uminom ng madaming tubig at kumain ng mga prutas na mayaman sa Vitamin C para lumakas ang resistensya.
Fungal Infection
Karaniwan ngayong summer ang pagkakaroon ng impeksyon sa balat dahil sa init ng panahon. Ilan sa mga fungal infection na uso tuwing tag-init ay ang hadhad, buni at an-an. Ugaliing maligo dahil ang mga mikrobyo ay dumidikit sa pawis. Gumamit ng mild soap na may moisturizer para maiwasan ang panunuyo ng balat. Gumamit ng sariling tuwalya, panyo at sabon para hindi mahawa at makahawa.
Heat Stroke
Ang heat stroke ay isang karamdaman kung saan lubhang tumataas ang temperatura ng katawan na hindi napapawi ng pagpapawis dahil sa dehydration. Maaaring ihalintulad ang heat stroke ng tao sa 'overheat' ng mga makina. Ang sakit na ito ay tinatawag din na heat injury o sun stroke at kailangan ng agarang atensyon o gamutan dahil ito ay nakakamatay o maaaring maging sanhi ng damage sa utak at iba pang internal organ.
Hangga’t maaari limitahan ang paglabas ng bahay. Huwag lalabas at magbibilad sa araw simula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 PM ng hapon. Ugaliing uminom ng maraming tubig lalo na kung lalabas ng bahay at mabibilad sa arawan para hindi ma-dehydrate.
Sun Burn
Nagkakaroon ng sunburn ang isang tao pagkatapos mabilad sa araw ng mahabang oras. Dahil sa init, nasusunog ang ibabaw na layer ng balat. Mapula at mahapdi ang balat kapag may sunburn. Mainit din sa pakiramdam kapag nahawakan.
Iwasan ang pagbibilad sa araw. Gumamit ng sun block para proteksyunan ang balat laban sa mapanganib na UV rays galing sa araw.
Mga Sakit ng mga Bata ngayong Tag-init
Reviewed by Anonymous
on
March 18, 2019
Rating:
No comments: