Babala ng DepEd sa Pagpopost sa Social Media ng Diploma o Certificate

For security and safety purposes, it is highly recommended by the DepEd to refrain ourselves from posting the Diploma and Certificate of our children to any social media platforms out there as it contains pertinent information about our them and we do not want to compromise their safety because of such actions. Please read the full explanation of this issue below.


"Sa mga magulang, guro at mga mag-aaral:

Buong galang na may pagmamalasakit po tayong pinaaalalahanan at hinihikayat ng DepEd na iwasan ang pagpopost ng buong larawan ng Diploma o Certificate ng ating mga anak sa Facebook o sa anupamang social networking site platforms.  Ang mga dokumentong ito, mula man sa pampubliko o pampribadong paaralan, bagama’t karapatdapat ipagmalaki, ay naglalaman ng mga mahahalaga at sensitibong personal na impormasyong maaaring gamitin upang mambiktima at manlinlang ng kapwa kabilang na may ari ng mga dokumentong iyon kasama na rin ang kanyang mga kaanak.

1. Ang buong pangalan ng bata at buong pangalan ng kanyang paaralan na matatagpuan rito ay maaaring gamitin upang matukoy kung saan siya naroroon. Napakadali ngayong isearch at makita ang mga social media accounts ng mga bata gayundin makita sa mapa gamit ang internet ang kinaroroonan ng mga ito;

2. Ang Learner Reference Number (LRN) na natatangi sa isang magaaral ay matatagpuan rin sa mga dokumentong ito. Nakaugnay sa LRN ng isang bata ang kanyang historical school records kasama ang kanyang mga marka gayundin ang mga personal na impormasyon gaya ng petsa ng kapanganakan, adres, pangalan ng mga magulang, lahi, at iba pa, na pawang ginawa ng gobyerno bilang paghahanda sa National ID System. Isang hack ng database ng DepEd at tiyak na makikita ang mga impormasyong ito na magagamit sa Identity Theft o pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Nagagamit, halimbawa, ang apelyido ng nanay noong dalaga at petsa ng kapanganakan upang matukoy ang password ng isang tao sa kanyang mga accounts;

3. Ang lagda o pirma ng mga school administrators at principals gayundin ang mga logos at headers ng mga paaralan ay naroroon din. Ang mga ito ay maaaring makopya at maedit para makahingi ng donasyon at makapangikil;

4. Ang buong Diploma o Certificate ay maaaring makopya para magamit sa pansariling kapakanan. Napakadali na ngayong mag edit at makapandaya.

Muli po, bagama’t tunay na maipagmamalaki ang mga dokumentong ito at masarap ipost sa ating social media accounts, unahin pa rin natin ang kapakanan ng ating mga anak at sarili. Mas mahalaga pa rin na maproteksyunan natin ang privacy natin at ng ating mga anak. Hindi po ito kathang isip.

Maraming salamat po!"

Read: GOOD NEWS for TEACHERS (read here)

Babala ng DepEd sa Pagpopost sa Social Media ng Diploma o Certificate Babala ng DepEd sa Pagpopost sa Social Media ng Diploma o Certificate Reviewed by Anonymous on April 13, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.